--Ads--

 CAUAYAN CITY-Arestado ang isang lalaki matapos nitong bugbugin ang isang Brgy. Kagawad na kasalukuyang naka duty sa Brgy Marabulig 1

Ang biktima ay si Kagawad Gerry Palisoc, 51-anyos,habang ang suspek naman ay si alyas Isko, 46-anyos, na kapwa residente ng Marabulig 1, Cauayan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, si kagawad kasama ang mga barangay tanod ay naka duty nang  sila ay tawagin sa isang birthday celebration.

Sa lugar kung saan ang selebrasyon ay bigla na lamang umanong lumapit si alyas Isko kay kagawad Gerry kung saan nagkaroon ng mainit na pag-uusap ang dalawa.

--Ads--

Minabuti naman umanong umiwas ni Kagawad Gerry kaya at umalis na lamang sa lugar ngunit sinundan umano ng suspek at doon nangyari ang pambubugbog.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station para sa dokyumentasyon habang inihahanda na ang kasong Direct Assault laban sakanya.