--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang truck helper matapos kitilin ang sariling buhay sa Brgy. Sillawit, Cauayan City, Isabela.

Ang biktima ay isang 47-anyos na lalaki na residente sa nabanggit sa lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station dakong ala-1:30 kaninang madaling araw, nang madiskubre ng mismong misis ang nakabigting katawan ng biktima sa isang puno malapit sa kanilang bahay gamit ang isang tali.

Agad na tumawag sa mga Barangay Officials ang asawa ng biktima na sila namang humingi ng tulong sa Pulisya at Rescue 922.

--Ads--

Ayon umano sa pamilya ng biktima, dati nang nagtangkang magpatiwakal ang biktima dahil sa iniinda nitong sakit at sa hirap umano ng buhay.

Naniniwala naman ang pamilya na walang nangyaring foul play sa pagkamatay ng biktima.