Patay na ng matagpuan ang isang magsasaka na unang napaulat na nawawala at hinihinalang nalunod sa bahagi ng Cabisera 9-11, City of Ilagan.
Makalipas ang ilang Linggo ay natagpuan na ang katawan ng biktimang si Guillermo Hidalgo.
Ayon kay PCapt. Noralyn Andal ang tagapagsalita ng Ilagan City Police Station sinabi niya na huling nakitang buhay ang biktima noong December 4,2024 habang nangunguha ng pagkain ng kanilang alagang kalabaw.
Batay sa isang saksi nakita nila ang biktima na tumawid sa ilog malapit sa bukid kung saan siya kumukuha ng pagkain ng kalabaw.
Isang magsasaka na nagtungo sa ilog para mamingwit ang nakakita ng bangkay ng biktima na natabunan na ng makapal na putik sa ilog na nasasakupan ng Cabisera 9-11.
Naniniwala naman ang Pamilya ni Ginoong Hidalgo na nalunod siya at walang anumang foulplay sa kaniyang pagkasawi.
Matatandaan na humingi ng tulong sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan ang misis ng biktima sa pagkawala nito matapos na hindi na makauwi sa kanilang bahay matapos manguha ng pagkain ng kanilang kalabaw.