Pabor ang Senior Citizens Affairs ng Isabela sa pag alis ng passbook o booklet bilang requirement sa pagbibigay ng senior citizen discount.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ruben Tumbaga ang focal person ng Senior Citizens Affairs ng Isabela, sinabi niya na napakalaking ginhawa para sa kanila ang pahayag ni Health Sec. Ted Herbosa na sapat na ang knailang Senior Citizen Id para makakuha ng kaukulang dikwento sa bibilhin nilang gamot.
Aniya, sadya naman talagang malaking abala ang pagbibitbit pa ng Senior Citizen passbook sa anumang bahay kalakal para lamang sa diskwento.
Dahil sila ay mga Senior Citizen na ay madalas na nakakalimutan o hindi naidadala ang passbook kaya isa itong dahilan kung bakit may ilang di nakakatanggap ng kanilang discount.
Hindi naman maiwasan na may mga bahay kalakal gaya ng mga restaurant ang hindi talaga nagbibigay ng 20% discount.
Madalas na aabot lamang sa 2 to 5% ang discount na naipagkjakaloob sa ilang mga senior subalit hindi ito naaksiyunan dahil sa walang nagrereklamo tungkol dito.
Sa nagayon ay nanatiling naka antabay ang OSCO para sa iba pang mga programa ng pamahalaan para sa mga Senior Citizen maliban sa taunang cash gift para sa mga centinarians at nanoginarians.