CAUAYAN CITY- Malaking bagay para sa Liga ng mga Barangay ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng term extention para sa mga Barangay Official maging sa Sanguniang Kabataan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Liga ng mga Barangay Vice President Dante Halaman, sinabi niya na matagal ng usapin ang term extention para sa mga opisyales ng Barangay kaya naman nagagalak sila dahil sa nabigyan na ito ng pansin ng Senado.
Aniya luhbang may epekto sa pondo ng Barangay ang napaka iksing termino ng mga opisyal at Sanguninang Kabataan kaya sa pamamagitan ng panukalang extention ng apat na taon na may tatlong termino ay magkakaroon na ng mahabang panahon para sa mas maraming mga proyekto na pakikinabangan ng kanilang mga kabarangay.
Maliban sa mas maraming proyekto ay malaking tulong din ang term extendtion para makatipad ang Pamahalaan sa pag gastos sa halalan.