--Ads--

CAUAYAN CITY- Agad na binawian ng buhay ang director ng Bangsamoro Land Transportation Office na opsiyal din ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng kanyang bahay, sa bayan ng Pikit, Cotobato.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Johnson Endil, at nakatira sa Sitio Amanah, Pikit, Cotabato.

Batay sa report ng Cotabato Provincial Police Office, bandang 7:00 AM naganap ang krimen sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, naglilinis ng kanyang sasakyan ang biktima ng biglang sumulpot ang armadong suspek at pinagbabaril ito na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa krimen o kung may kinalaman ito sa kanyang trabaho at pagiging opisyal ng MILF.