Nakaligtas sa ambush ang vice mayor candidate sa Maguindanao del Sur matapos ang pag-atake bandang alas-9 ng umaga ng Martes, Pebrero 11, sa national highway sa Buluan.
Kinilala ang biktima na si Anwar Dimasinsil, 46, kandidato sa pagka-bise alkalde ng Buluan sa ilalim ng Lakas Christian Democrats party.
“We were ambushed near the provincial capitol, and luckily, nobody was hurt,” ani Dimasinsil, kasabay ng pagpapakita nito ng mga tama ng bala ng baril sa kanyang sasakyan.
Nakasuot ng bulletproof vest ang hindi pinangalanang drayber na tinamaan ng bala.
Ani Dimasinsil, ang mga gunman ay sakay ng isang kotse na agad nakatakas matapos ang pamamaril.
“I believe this incident is election-related,” aniya.
CAUAYAN CITY- Natagpuan na ang katawan ng isang lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa Barangay Sipay, Lungsod ng Ilagan.
Ang biktima ay kinilalang si Alisson Cacal...