--Ads--

Kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay ang mga Election Officer sa Region 2 bilang paghahanda sa 2025 Midterm Elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez, ng Commision on Elections Region 2, sinabi niya na ang pagsasanay ng mga election officer ay upang maihanda ang kanilang sarili sa pag-train sa mga board of technical support staff, electoral board at board of election inspector.

Sa Marso 3 ay sasailalim din sa pagsasanay ang mga guro para matiyak na sila ay “IT Capable” pagdating sa araw ng halalan.

Samantala, nasa mahigit 120 police officer naman ang ite-train para maging electoral board para kung sakaling mayroong umatras na mga guro sa kanilang responsibilidad ay mayroong  Pulis na hahalili.

--Ads--