--Ads--

CAUAYAN CITY- Pasado na sa ikatlo at huling pagdinig ang Ordinance No. 2025 – 631 titled: “An Ordinance Institutionalizing Mental health care program” sa lungsod ng Cauayan na ang layunin ay bigyan ng karampatang tulong ang mga indibidwal na nakararanas ng mental issues.

Napag-usapan ang naturang ordinansa sa naganap na regular session ng mga lokal na mambabatas ng lungsod.

Matatandaan na isinulong ng mga mambabatas ang pagkakaroon ng mental health facility sa lungsod ng Cauayan na plano namang i dugtong sa City Health Office.

Bukod dito, magkakaroon naman ng hotline na maaaring tawagan ng taumbayan kung sila man ay nagnanais na magpakonsulta sa psychiatrist.

--Ads--

Magbibigay din ng libreng gamot para sa mga nakararanas ng mental illness at mayroon ding psychiatrist na pwedeng makausap ang mga taong nakararanas ng depression.

Layunin ng programa na maiwasan ang kaso ng pagkitil sa sariling buhay lalo na ang mga depress sa lovelife, at sa problema sa pamilya.

Ayon sa pahayag ni SP member Bagnos Maximo Jr., sinabi niya na mahalagang bigyan ng pansin ang mga taong mayroong matinding pangangailangan ng isang ekspertong psychiatrist upang hindi mauwi sa hindi kaaya ayang pangyayari ang kanilang kalungkutan.

Aniya, ang ordinansa ay kaugnay sa RA No. 11036 o “Mental Health Act” na naglalayong maprotektahan, mapangalagaan, at maagapan ang mental issues ng taumbayan para hindi ma husgahan sa lungsod ng Cauayan.