--Ads--

Nasabat ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang ₱200 milyong halaga ng puslit na frozen Mackerel sa Port of Manila.

Ayon sa DA, ang 21 container vans ay nagmula sa China at dineklara bilang fried taro sticks, cuttle fish flavored balls, at taro sweet potato balls upang makalusot sa inspeksyon.

Ang mga nasabat na isda ay fit for human consumption at kasalukuyang pinag-aaralan kung maaaring ipamahagi sa mahigit 700,000 pamilya na nangangailangan.

Binigyang-diin ng DA ang negatibong epekto ng smuggled Mackerel sa kabuhayan ng mga lokal na mangingisda, lalo na’t bumababa ang demand sa lokal na huli.

--Ads--

Sa ngayon, 28 kumpanya na ang blacklisted, kung saan apat na ang nahaharap sa kaso. Nagsampa na rin ng reklamo ang BOC laban sa may-ari at mga broker ng shipment.

Pinangunahan nina BOC Commissioner Ariel Nepomuceno at DA Secretary Francisco Tiu Laurel ang inspeksyon sa mga container kaninang umaga.