--Ads--

TInupok ng apoy ang isang bodega matapos sumiklab ang malaking sunog sa Barangay Calamagui 1st City of Ilagan ngayong hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Fire Marshall FCInsp. Aime Cariño ng BFP Ilagan, sinabi niya na naganap ang insidente pasado ala-1 ung hapon.

Aiya pagdating sa fire scene ay malaki na ang apoy at umabot sa ikatlong alarma.

Batay sa mga trabahado naka break sila at naiwan ang pasilidad na walang tao ng maganap ang insidente.

--Ads--

Umabot sa labing dalawa na fire trucks mula sa iba’t ibang himpilan ng BFP sa karatig Bayan ng Lunsod ang nagtulong tulong para apulahin ang sunog katuwang ang tatlong chinese chamber fire volunteers.

Idineklarang fireout ang sunog pasado alas 2 ng hapon.

Kabilang sa mga natupok ang isang truck at isang loader maliban pa sa ilang kagamitan sa loob ng bodega na gawa sa plastic materials.

Sa ngayon inaalam pa ng BFP Ilagan kung ano ang sanhi ng nasabing insidente.