--Ads--

Walo ang nasawi at isa ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang textile factory sa Foshan City, Guangdong Province sa southern China.

Ayon sa state media, nagsimula ang sunog dakong alas-3:12 ng hapon sa isang dalawang palapag na gusali sa loob ng industrial park at naapula makalipas ang halos isang oras.

Ginagamit ang gusali para sa produksyon, kabilang ang paghuhugas ng denim fabric. Hindi naman kumalat ang apoy sa iba pang bahagi ng industrial park.

Natapos na ang search and rescue operations habang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

--Ads--