--Ads--

Hindi pinagbigyan ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ng mga transport group sa bansa na taas pasahe.

Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, sinalanta ng bagyo ang maraming Pilipino kaya marapat lamang hindi magpatupad ang ahensya ng pagtaas sa singil sa pasahe.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay isinumite ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang rekomendasyon sa DOTr tungkol sa petisyon ng transport groups na humihirit ng taas pasahe mula P13 ay magiging P14 para sa mga traditional jeepneys.

Habang mula naman sa P15 ay magiging P16.00 ang itataas na minimum para sa modern jeeps.

--Ads--

Giit ng kalihim na noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng rollback sa presyo ng langis at ang pagtaas ng pasahe ay may malaking epekto sa ekonomiya.

Maraming Pilipino rin aniya ang kasalukuyang nagre-rekober mula sa pagdaan ng bagyo at lindol.

Para maibsan ang bigat ng pampasaherong drivers ay hinigpitan ng DOTR ang kampanya nila laban sa kolurom.