--Ads--

Asahan umano ang mas malakas at matatag na ekonomiya ng Pilipinas sa 2026, ayon kay Executive Secretary Ralph Recto dahil sa mababang inflation.

Ito ay kasunod ng pagbaba ng inflation sa 1.5% noong Nobyembre at 1.6% year-to-date, na nakatulong upang mapanatili ang ‘BBB+’ rating ng bansa.

Sinabi ni Recto na ang mababang presyo, matatag na labor market, at mas maluwag na polisiya ng BSP ay magpapalakas sa konsumo.

Tinutugunan din ng economic team ang mga hadlang sa pamumuhunan, kabilang ang suspensyon ng BIR field audits, at paglulunsad ng mga bagong inisyatiba lalo na sa agrikultura.

--Ads--

Aniya, pinaigting rin ang transparency, kabilang ang aksyon laban sa flood control anomaly, pagbawi ng PHP 38.2M at PHP 110M mula sa mga opisyal na sangkot, at pagyeyelo ng PHP 13B assets.

Tiniyak ni Recto na ang PHP 6.793-trilyong pondo sa 2026 ay nakatuon sa edukasyon, agrikultura, kalusugan, at social services.