--Ads--

Muling nanawagan ang mga tricycle drivers sa Lungsod ng Cauayan na aprubahan ang taas-pasahe kasunod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Solero Silaran Jr., tricycle driver, sinabi niya na ang panibagong oil price hike ngayong unang buwan ng Pebrero ang pang-apat nang magkakasunod na pagtaas sa preso ng mga produktong petrolyo na labis na nagpapahirap sa kanilang mga namamasada.

Aniya, malaking pasakit ito para sa kanilang dahil unit-unting nababawasan ang kanilang pang-araw araw na kita dahil nananatiling walang paggalaw sa pamasahe.

Ayon kay Silaran, hindi lamang siya naaapektuhan bilang driver kundi bilang magsasaka rin dahil gumagamit din sila ng diesel na pangunahing ginagamit sa mga makinaryang pang-agrikultura.

--Ads--

Umaasa naman silang mga tricycle driver na sana ay dinggin ng mga kinauukulan ang kanilang panawagan na itaas ang pamasahe gaya na ng ipinatutupad na sa ibang bayan.

Ayon sa kanila, kahit kaunting dagdag lamang sa pamasahe ay malaking tulong na upang maibsan ang epekto ng patuloy pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.