Nangunguna sa mga proyektong paglalaanan ng malaking bahagi ng Barangay fund ang pagdadagdag ng mga streetlight at CCTV cameras sa bahagi ng Barangay San Andres, Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kapitan Pearl Alcid, sinabi niyang naglaan ang pamahalaang Barangay ng 370,000 pesos para sa pagtatayo ng streetlights at karagdagang CCTV cameras.
Paliwanag niya, bagamat may mga streetlights na sa bawat purok, napansin nilang magkakalayo ang mga ito kaya nagpasya silang magdagdag ng ilaw.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng paglalagay ng CCTV cameras na malaking tulong sa mga vehicular accidents dahil may mga pagkakataong hindi agad natutukoy ang may pananagutan sa mga naitatalang aksidente.
Maliban dito, malaking tulong rin ang mga camera bilang paraan ng pagsugpo sa kriminalidad.











