--Ads--

Dinakip ang isang Grade 12 Student sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa bahagi ng San Lorenzo Subdivision, Brgy Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Ang naaresto ay si Rens, di tunay na pangalan 18 years old, at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, isinagawa ang nasabing operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Cauayan City Police Station bilang lead unit, PDEA Isabela, PDEU, RIU2- PIT Isabela and RMU2 conducted.

Inaresto ang pinaghihinalaan matapos bentahan ng hinihinalang Marijuana ang pulis na nagpanggap na buyer.

--Ads--

Nasamsam sa pagiingat ng pinaghihinalaan ang 500 pesos na buy bust money at ang motorsiklong ginamit sa transaksyon.

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspect.