--Ads--

Nagtamo ng injury sa katawan ang isang Rider matapos sumalpok sa isang SUV ang minamanehong motorsiklo sa National Highway na nasasakupan ng District 1, Cauayan City, Isabela nitong gabi ng Miyerkules, Pebrero 18.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga nakasaksi sa pangyayari, binabagtas ng SUV ang pambansang lansangan mula sa Timog na direksyon at nasa proseso ng pagliko papasok sa airport road na nasa kabilang bahagi ng kalsada.

Hindi pa man umano tuluyang nakakaliko ang SUV ay bumangga na umano sa passenger side nito ang isang single motorcycle.

Bagaman nakasuot ng helmet ang drayber ng motorsiklo ay nagtamo pa rin ito ng injury sa katawan dahilan upang siya’y dalhin sa pagamutan ng mga rumespondeng kasapi ng Rescue 922.

--Ads--

Wala namang nasaktan sa tatlong lulan ng SUV.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad hinggil sa insidente.