--Ads--

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na kasalukuyan nang sinusuri ang resolusyon sa kasong grave threats at inciting to sedition laban kay VP Sara Duterte.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, may draft para sa kaso, ngunit kailangan pa itong masusing pag-aralan ng mga division heads ng DOJ.

Inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso noong Pebrero 2025, kaugnay ng umano’y banta ni Duterte noong Nobyembre 2024 laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Nilinaw ni Martinez na ang pagdeklara ni Duterte ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ay hindi makaaapekto sa kasong isinampa laban sa kanya.

--Ads--