Iginiit ni Palace Press Officer Claire Castro na walang logical na batayan ang alegasyong sinira o pinahina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Pangulong Rodrigo Duterte, lalo’t matagal nang isinasapubliko at tinatalakay ang usapin kaugnay ng extrajudicial killings.
Ayon kay Castro, noong 2017 pa lamang ay lantaran nang napag-uusapan ang mga naging pahayag at pag-amin ni Duterte kaugnay ng naturang isyu.
Aniya, hindi ito bagong usapin na lumitaw lamang sa kasalukuyang administrasyon, kundi matagal nang sinusubaybayan at iniuulat ng iba’t ibang mamamahayag at media organizations, kabilang na ang mga international news outlets.
Binigyang-diin din niya na ang mga ganitong alegasyon ay dapat nakabatay sa malinaw na ebidensya at tamang timeline ng mga pangyayari, at hindi sa haka-haka o political interpretation.











