--Ads--
Nag-viral sa social media nitong Martes ng gabi ang aktres na si Kylie Padilla matapos niyang sabihing aalis na ng Pilipinas nang tanungin tungkol sa posibilidad na tumakbo ang kanyang ama na si Senator Robin Padilla sa mas mataas na posisyon.
Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules ng umaga, ipinaliwanag ni Kylie na ginawa niya ang pahayag dahil sa kanyang hangaring mamuhay nang tahimik, payapa, at kalmado.
Iginiit niya na hindi dapat gamitin ang kanyang sinabi laban sa kanyang ama at pinuri ang lahat ng mabubuting nagagawa nito para sa bansa.
Binigyang-diin din niya na hindi niya sinasadya na insultuhin ang kanyang ama o sinuman, at hangad lamang niya ang kaligayahan at kaligtasan nito.
--Ads--










