--Ads--
Inutusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na agad na hanapin ang mga Filipino sa Iran at magsagawa ng mabilis na hakbang upang tiyakin ang kanilang kaligtasan, matapos kumalat ang mga ulat ng airstrikes sa nasabing bansa noong Sabado, Pebrero 28.
“We have received reports of airstrikes which hit Iran, now we are getting more information about the matter. In the meantime, the safety of Filipino citizens in Iran and in the Middle East is paramount,” pahayag ng Pangulo sa mga mamamahayag.
Noong Sabado, inilunsad ng Estados Unidos at Israel ang mga missile at drone attacks sa Iran, na nagdulot ng ikalawang digmaan sa bansa sa loob ng walong buwan.










