Posibleng umabot sa isang buwan ang epekto ng pagsirit sa presyo ng petrolyo dahil sa giyera sa Gitnang silangan.
Ayon kay Sonny Africa ang executive Director ng IBON Foundation pangunahing dahilan ng mabilis na pagsirit ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene ay ang katotohanang ang Pilipinas ay isa sa mga bansang umaasa sa pag-angkat ng langis mula sa Middle East.
Aniya, bagamat hindi lamang Pilipinas ang nag-aangkat ng langis sa Southeast Asia, tayo pa rin ang isa sa mga bansang may mataas na konsumo ng petrolyo. Nakapagtataka, dagdag pa niya, na hindi na bago ang kaguluhan sa Gitnang Silangan ngunit saka lamang ito ginawang tampok ng pamahalaan, gayong matagal nang problema ang pabago-bagong presyo ng petrolyo.
Sa kasalukuyan, walang makapagsasabi kung gaano tatagal ang giyera, subalit inaasahang magpapatuloy ang pagsirit ng presyo ng petrolyo lalo na’t mataas ang insurance na sinisingil sa mga barkong naghahatid ng langis.
Samantala, isa sa nakikitang pinaka-delikadong epekto ng giyera sa Middle East ay ang posibleng pagkasira ng malalaking planta o oil infrastructures.
Dagdag pa ng grupo, hindi pa tiyak kung paano tatakbo ang inflation dahil sa giyera, sapagkat hindi lamang langis ang nakakaapekto rito kundi marami pang ibang salik sa ekonomiya.
Kung siya naman ang tatanungin hindi sasapat ang fuel subsidy na plano ng Pamahalaan lalo na kung hindi planado kung gaano ito kalaki at kung gaano ito katagal masustain.
Ganito rin ang dapat ang pairalin sa pag suspinde sa excise tax sa langis at VAT kahit pa maaaring umabot sa higit 300 bilyon ang ikakalugi ng pamahalaan.











