--Ads--

Ganap nang tropical depression ang low-pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Martes, Marso 10, ayon sa ulat ng PAGASA.

Huling namataan ang bagyo bandang alas-8 ng umaga sa layong 1,305 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/h at bugso hanggang 55 km/h, habang kumikilos patungong hilagang-silangan sa bilis na 10 km/h.

Kapag pumasok sa PAR, ito ang magiging ikatlong bagyo sa bansa ngayong taon at papangalanang Caloy.

--Ads--