--Ads--

Humarap sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes ang 16 sa 18 umano’y dating Marines na iniuugnay sa alegasyong kickback scheme ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.

Dumating ang grupo bandang 9:40 ng umaga kasama ang kanilang abogado upang tumalima sa ipinadalang subpoena.

Hindi pa ipinaliliwanag kung bakit hindi nakadalo ang dalawa pang dating Marines.

Nauna nang naglabas ng subpoena ang NBI sa humigit-kumulang 25 indibidwal kaugnay ng press conference noong Pebrero 24 kung saan ipinakilala ang grupo bilang umano’y “bagmen” ni Co na naghatid ng P805 bilyong kickback mula sa mga kuwestiyonableng flood control projects.

--Ads--

Nauna nang itinanggi ng Malacañang ang mga alegasyon, na tinuturing bilang bahagi ng smear campaign laban sa Pangulo.