--Ads--

Bumagsak sa panibagong record low ang halaga ng kontra US dollar nitong Biyernes, dahil sa mga uncertainties dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Nagsara ang palitan sa P59.735 kada $1, mas mahina ng 35 sentimo mula sa P59.385 kada dolyar noong Huwebes.

Ito na ang pinakamababang halaga ng piso sa kasaysayan, matapos nitong malampasan ang dating record na P59.50 kada dolyar na naitala lamang noong Lunes, Marso 9, 2026.

Ayon kay Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corporation, humina ang piso matapos muling tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Aniya, ang presyo ng krudo ay umabot sa isa sa pinakamataas na antas sa loob ng mahigit tatlo at kalahating taon, o mula pa noong Agosto 2022.

--Ads--

Ipinaliwanag ni Ricafort na may pangamba sa global oil supply chains dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan. Kapag tumataas aniya ang presyo ng langis, maaaring magdulot ito ng mas mataas na inflation at mas mabagal na paglago ng ekonomiya.

Para sa kalakalan sa Lunes, inaasahan niyang maglalaro ang US dollar–peso exchange rate sa pagitan ng P59.50 hanggang P59.80.