--Ads--

Nangako ang mga manufacturer ng pangunahing bilihin at prime commodities na panatilihin ang presyo sa kasalukuyang antas sa loob ng 30 araw sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis.

Kabilang sa mga produktong mananatiling stable ang presyo ang canned sardines, tinapay, bottled water, instant noodles, kape, canned meat, sabon, at kandila. Mananatili rin sa kasalukuyang presyo sa loob ng 60 araw ang ilang kilalang brand tulad ng Lucky Me, Ho-Mi, Argentina, at Swift Premium.

Patuloy rin ang pangako ng mga kompanya ng kompanya na hindi muna itataas ang presyo. Saklaw ng pinakabagong Suggested Retail Price Bulletin ng DTI ang 191 Shelf-Keeping Units o SKUs.

Layunin ng DTI na tiyakin ang makatarungan at makatwirang presyo para sa mga mamimili habang pinapangalagaan ang interes ng mga manufacturer.

--Ads--