--Ads--

Nagdeklara ng force majeure ang pamahalaan ng Iraq sa lahat ng oilfield na pinatatakbo ng mga dayuhang kumpanya ng langis matapos maantala ang paglalayag sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta para sa pag-export ng crude oil ng bansa.

Ayon sa oil ministry ng Iraq, hindi nakapagtalaga ng mga tanker ang kanilang mga international partner para magsakay ng krudo.

Ang force majeure ay isang legal na termino na nangangahulugang “superior force” o isang pangyayaring labas sa kontrol ng isang partido, na pumipigil sa kanila na tuparin ang kontrata.

Kadalasang kabilang dito ang mga natural na sakuna, digmaan, aksyon ng pamahalaan, o iba pang hindi inaasahang pangyayari. Sa ganitong sitwasyon, hindi obligadong managot ang partido para sa hindi pagtupad sa kontrata.

--Ads--

Dahil dito, iniutos ng ministry ang pansamantalang pagtigil ng produksyon sa mga apektadong concession areas.

Ayon sa ministry, walang kompensasyon ang ibibigay sa ilalim ng mga umiiral na kontrata dahil sa hakbang na ito.