--Ads--

Isinara ng Department of Migrant Workers ang isang Korean language training center sa Mabalacat City, Pampanga matapos umano itong mag-alok ng iligal na trabaho patungong South Korea.

Sa ulat ng DMW, pinangakuan ng naturang training center ang mga aplikante ng oportunidad na makapagtrabaho sa South Korea sa pamamagitan ng Employment Permit System (EPS) at student pathway option.

Ayon pa sa ahensya, kapalit ng naturang alok ay malaking halaga ng pera ang hinihingi sa mga aplikante. Gayunman, napag-alamang walang kaukulang lisensya upang mag-operate ang nasabing establisimyento.

Dahil dito, ipinasara ng mga awtoridad ang training center noong ika-12 ng Marso.

--Ads--

Nagpaalala naman ang DMW sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga training center na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa upang maiwasan ang panlilinlang.