--Ads--

Apatnapung Filipino seafarers ang sakay ng Panama-flagged bulk carrier na First Margaux nang bumangga ito sa isang Chinese fishing vessel sa Singapore Strait noong Setyembre 17.

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Cacdac, wala umanong naiulat na nasaktan sa 40 Pinoy seafarers na sakay ng cargo ship.

Nag-viral sa social media ang mga video matapos ang insidente, kung saan makikita ang mga personnel na nagkakagulo matapos ang banggaan. Napansin din ng ilang netizen na may mga sigaw sa Ilocano sa mga video.

Sinabi ni Cacdac na natukoy na ng DMW ang lahat ng 40 Filipino seafarers at patuloy na kinokolekta ang impormasyon tungkol sa kanilang licensed manning agency.

--Ads--

Hindi pa malinaw kung may mga Pilipino rin sa Chinese fishing vessel.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Singapore ang insidente.

Samantala, sinabi ng DMW na patuloy na pinapalakas ng pamahalaan ang proteksyon para sa Filipino seafarers, na bumubuo sa tinatayang isa sa bawat limang seafarers sa buong mundo.

Naglalaan din ang ahensya ng libreng repatriation para sa mga Pilipinong seafarer, partikular sa mga high-risk area gaya ng Strait of Hormuz at Northern Black Sea.