--Ads--

Dalawang pulis at isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasawi sa isang engkuwentro sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Biyernes.

Ayon sa ulat nagsimula ang insidente sa isang lamay kung saan isa sa mga pulis ay umano’y sinuntok. Umalis muna ang naturang pulis ngunit bumalik kalaunan kasama ang kanyang mga kasamahan kabilang ang dalawang biktima.

Tinangka umano ng mga Pulis na huliin ang nasangkot sa panununtok ng biglang umalingawngaw ang putok ng baril kalaunan ay natagpuan ang tatlong biktimang nakabulagta.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng Puerto Princesa City Police Office at tinutugis ang mga suspek na nananatiling at large.

--Ads--