--Ads--

Sinabi ni U.S. President Donald Trump nitong Sabado (araw sa Amerika) na may 48-oras lamang ang Tehran upang makipagkasundo o haharapin nito ang “all hell,” habang ang tropa ng Estados Unidos at Iranian ay nagsasagawa na nang paghahanap para sa isang napabagsak na U.S. airman.

Ang banta ni Trump ay kasunod ng isang pagsabog malapit sa isang Iranian nuclear power plant na nagdulot ng evacuations, at mga ulat ng pag-atake sa rehiyon, kabilang ang isang commercial ship sa Bahrain na pinaniniwalaang konektado sa Israel at tinarget ng Iran’s Revolutionary Guards.

Ang digmaan ay nagsimula mahigit isang buwan na ang nakalipas dahil sa US-Israeli strikes sa Iran kung saan nagpalawak ng tensyon sa buong Gitnang Silangan, na nakaapekto sa pandaigdigang ekonomiya, lalo na sa pagsasara ng Strait of Hormuz.

Noong Marso 21, unang nagbanta si Trump na “obliterate” ang mga power plant ng Iran, simula sa pinakamalaki, kung hindi bubuksan ng Tehran ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras.

--Ads--

Ilang araw lang ang nakalipas, sinabi niyang nagaganap ang “very good and productive conversations” at ipinagpaliban ang strike sa loob ng limang araw.

Ngunit ngayon ay muling itinakda ng Amerika ang deadline na magtatapos ng alas-8:00 ng gabi sa Lunes (Martes sa Pilipinas).Balitang Pilipinas

Ayon sa mga eksperto, ang pag-atake sa civil energy infrastructure ay maaaring ituring na war crime.

Noong Biyernes, iniulat ng Iran na kanilang na-shoot down ang isang F-15 warplane ng U.S., habang iniulat ng U.S. media na isa sa dalawang crew members ay nakaligtas habang ang isa ay patuloy na nawawala.

Tinawanan naman ni Mohammad Ghalibaf, speaker ng Iran’s parliament, ang administrasyon ni Trump.

Ayon kay retired U.S brigadier general Houston Cantwell, na may 400 oras ng combat flight experience, ang training ng piloto ay malaking bagay at maitutulong sa oras na kailangan niyang bumaba sa lupa gamit ang parachute.