--Ads--

Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang threshold para sa cash withdrawals na sakop ng mandatory enhanced due diligence mula ₱500,000 ay naging ₱1 milyon.

Ayon sa BSP, layunin ng hakbang na mapagaan ang proseso para sa mga lehitimong transaksyon ng negosyo habang nananatiling nakatuon sa pag-monitor ng mga high-risk na financial activity.

Batay sa Circular No. 1230 na nilagdaan noong Pebrero 27, 2026, ang pagtaas ng limit ay resulta ng konsultasyon sa mga bangko at industriya, matapos mapansing maraming ordinaryong transaksyon tulad ng payroll at loan releases ang naaapektuhan ng dating threshold.

Nilinaw ng BSP na mananatili ang risk-based monitoring at maaaring magpatupad ng mas mahigpit na internal rules ang mga bangko depende sa kanilang sariling risk assessment.

--Ads--

Samantala, walang ipinapatupad na katulad na threshold sa mga non-cash transactions tulad ng digital transfers at check payments.