--Ads--

Inanunsyo ng Iranian Legal Medicine Organization na umaabot sa 3,375 katao ang nasawi sa tinaguriang “imposed war” sa pagitan ng Iran, Estados Unidos, at Israel.

Ayon kay Abbas Masjedi, pinuno ng ahensya na nasa ilalim ng hudikatura ng Iran, ang mga nasawi ay kinilala gamit ang “scientific and specialized methods,” batay sa ulat ng state news agency na IRNA.

Sa naturang bilang, 2,875 ay kalalakihan at 496 naman ay kababaihan, ngunit hindi binanggit kung ilan sa mga ito ang mga bata o matatanda.

Wala pang independiyenteng beripikasyon sa datos dahil sa mga limitasyon sa pag-access sa mga lugar ng insidente, ayon sa ulat.

--Ads--

Patuloy naman ang tensyon sa rehiyon sa gitna ng ulat ng patuloy na labanan at pagtaas ng bilang ng mga biktima.