Tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang maayos na pagpapatupad ng fuel subsidy para sa mga tsuper at diskwento sa pamasahe para sa mga pasahero.
Ayon sa kanya, kinakailangan ang koordinasyon ng mga local government units (LGUs), Department of Energy (DOE), Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang masigurong mabilis at maayos na maipamahagi ang tulong.
Saklaw ng programa ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga driver ng jeepney at UV Express sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.
Magkakaloob din ng 20% diskwento sa pamasahe ang mga piling ruta ng jeep at bus sa ilalim ng service contracting program.
Sinimulan na ngayong linggo ang rollout nito sa Metro Manila, kabilang ang Commonwealth Avenue sa Quezon City, at nakatakdang palawakin pa sa iba pang bahagi ng bansa.
Tinatayang makikinabang sa programa ang 50,000 tsuper, higit 1,000 operator, at humigit-kumulang 15 milyong commuters sa buong bansa.











