--Ads--

Siguradong isang mainit na pagsalubong ang naghihintay sa P-Pop girl group na BINI sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Isang resolution mula sa House of Representative ang isinulong ni Negros Occidental 3rd District Javi Benitez para kilalanin at parangalan ang nasabing all-female band sa naibigay nilang impact hindi lang para sa Pilipinas kundi sa buong mundo, kaugnay sa kanilang dalawang magkahiwalay na performance sa Coachella, sa US, na nag-trending.

Nakaposte ito sa IG mismo ng mambabatas na may poster ng BINI at sinasabi sa resolution.

Bagamat, magtatagal pa nang bahagya ang BINI para tumanggap ng karangalan sa Billboard Awards for Women, abangers na ang mga faney dito sa Pinas sa pagsalubong sa grupo, partikular na sa inaasahang parada.

--Ads--