--Ads--
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasawi ang dalawang overseas Filipino workers (OFW) matapos pagbabarilin ng kanilang employer sa isang hostage incident sa Beirut, Lebanon noong Abril 15.
Ayon sa ahensya, matagal nang nagtatrabaho bilang household service workers ang mga biktima sa naturang bahay. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Office at Philippine Embassy sa Lebanon sa mga lokal na awtoridad para sa masusing imbestigasyon.
Nakatakda ring bumisita ang mga opisyal ng DMW sa pamilya ng mga biktima upang ipaabot ang pakikiramay at tiyakin ang tulong ng pamahalaan kabilang ang repatriation at iba pang benepisyo.
--Ads--










