--Ads--

Ipinatigil ng Estados Unidos ang pagpapadala ng US dollar shipments sa Iraq at sinuspinde rin ang ilang security cooperation programs sa militar nito, sa hakbang na layong ipressure ang Baghdad na buwagin ang armadong grupong sinasabing suportado ng Iran sa bansa.

Ayon sa ulat, nauna nang hinarang ng mga opisyal ng US Treasury Department ang isang cargo plane na may kargang pera na halos 500 milyong dolyar.

Ang naturang pondo ay mula sa kita ng bentahan ng langis ng Iraq at nakadeposito sa Federal Reserve Bank of New York, ngunit hindi ito pinayagan dahil sa mga alalahanin ng US kaugnay sa impluwensya at operasyon ng mga militia sa bansa.

Wala pa namang pahayag ang US Treasury at ang administrasyong Trump hinggil sa naturang ulat.

--Ads--