--Ads--

Binigyang-diin ni King Charles III ang kahalagahan ng matatag na ugnayan at patuloy na kooperasyon sa kanyang talumpati sa pagbisita sa Estados Unidos.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na sa pagharap ni King Charles sa joint session ng U.S. Congress, sinabi nito na ang United States at United Kingdom ay may isa sa pinakamahalagang alyansa sa kasaysayan at dapat itong patuloy na pangalagaan.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging bukas sa pandaigdigang ugnayan sa halip na pagtuon lamang sa sariling interes.

Tinalakay rin niya ang patuloy na suporta sa Ukraine, pagpapalakas ng NATO, interfaith dialogue, at pangangalaga sa kalikasan bilang mga responsibilidad ng mga lider sa kasalukuyang panahon.

--Ads--

Ipinunto rin niya ang kahalagahan ng mga demokratikong prinsipyo tulad ng checks and balances, sa gitna ng mas nagiging pabago-bago at delikadong sitwasyon sa mundo.

Bago ang kanyang talumpati, mainit siyang tinanggap ni US Pres. Donald Trump sa White House bilang bahagi ng kanyang opisyal na pagbisita sa Estados Unidos kasama si Queen Camilla.