--Ads--

Mas pinaigting ng Police Regional Office 2 (PRO-2) ang kampanya laban sa mga wanted person sa buong rehiyon bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng batas at pagpapanagot sa mga may kinahaharap na kaso.

‎Ayon kay PBGEN. Mariano Rodriguez, Acting Regional Director ng Police Regional Office 2, sinabi nito na mas pinaigting ng kapulisan ang operasyon laban sa mga wanted person dahil may mga nakabinbing kaso ang mga ito na kinakailangang harapin sa ilalim ng batas.

‎Batay sa tala ng PRO-2, nasa 59 na operasyon ang isinagawa mula Abril 30 hanggang Mayo 6 kaugnay sa pagtugis at pag-aresto sa mga wanted person sa rehiyon.

‎Kabilang dito ang siyam na Top Most Wanted Persons, walong naarestong Most Wanted Persons, at 42 iba pang wanted persons na nadakip sa magkakahiwalay na operasyon.

‎Ayon pa kay PBGEN Rodriguez, patuloy ang pinaigting na law enforcement operations ng PRO-2 upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa buong Region 2.