--Ads--
Kinikilala ng defense team ang naging hakbang ng plenaryo ng Senado matapos maipasa ang boto na ipasa ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Dahil dito, iginiit ng panig ng depensa na nasa mga nag-akusa na ang pasanin upang patunayan ang kanilang mga alegasyon alinsunod sa Konstitusyon, batas, at mga alituntunin sa ebidensya.
Sinabi ni Atty. Michael Poa na batid ng kanilang kampo ang naging aksyon ng plenaryo at sa paglipat ng Articles of Impeachment sa Senado ay nasa prosecution na ang responsibilidad na patunayan ang kanilang mga paratang.
Dagdag pa niya, habang may mga isyung konstitusyonal na nakabinbin sa Korte Suprema, handa silang ipagtanggol ang Bise Presidente sa impeachment court na bubuuin ng Senado.











