--Ads--
Nagsagawa ng pormal na pagpupulong sa Beijing sina Chinese President Xi Jinping at US President Donald Trump.
Ayon kay Xi, mas nangingibabaw ang “common interests” ng China at US kaysa sa kanilang mga pagkakaiba, habang pinuri naman ni Trump ang pamumuno ng Chinese leader.
Sa usapin ng negosasyon, layunin ng US na buksan pa ng China ang merkado nito sa mga kumpanya at produkto ng Amerika, habang inaasahang hihingi naman ng konsesyon si Xi kaugnay sa Taiwan at mga taripa.
Tinalakay rin sa mga usapan ang tensyon sa Middle East, partikular ang digmaan ng US at Israel laban sa Iran, na isa ring mahalagang supplier ng langis at gas sa China.
--Ads--






