--Ads--

Hindi bababa sa pitong Palestinian ang nasawi at dose-dosenang sugatan matapos ang dalawang Israeli airstrike sa Gaza City na tumama sa isang residential building at isang sasakyan, ayon sa mga medical sources.

Kasabay nito, inihayag ng Israel na target umano nito si Izz al-Din al-Haddad, pinuno ng armed wing ng Hamas sa Gaza, ngunit hindi pa kumpirmado kung nasawi ito.

Ayon sa ulat, tatlo sa mga biktima ay mula sa sinakyan na sasakyan habang apat ang namatay sa pag-atake sa isang gusali sa Rimal area. Kabilang din sa mga nasawi ang mga babae at isang bata, habang umaabot sa 45 ang sugatan.

Sinabi ng mga opisyal na walang babala bago ang pag-atake at tinatayang daan-daan ang nasa loob ng gusali na tinamaan, na nagdulot ng malaking sunog at paglikas ng mga residente.

--Ads--

Ang pag-atake ay naganap sa ika-78 anibersaryo ng Nakba, habang patuloy ang tensyon sa kabila ng umiiral na tigil-putukan.