--Ads--

Iginiit ni Sen. Erwin Tulfo na isusulong ng minority bloc sa Senado ang mas mahigpit at masusing imbestigasyon kaugnay sa naganap na umano’y putukan sa loob ng mataas na kapulungan.

Ayon kay Sen. Tulfo, hindi lamang ang insidente mismo ang dapat tutukan kundi maging ang umano’y kakulangan sa transparency at pananagutan ng mga institusyon na sangkot sa kaso.

Sinabi ng senador na mahalagang malinaw na maipaliwanag ang magkakaibang bersyon ng mga panig upang malaman ng publiko ang tunay na nangyari.

Kinuwestyon din niya ang umano’y pagtanggi ng Senado na sundin ang subpoena ng Office of the Ombudsman para sa CCTV footage at ang hindi umano pakikipagkooperasyon sa imbestigasyon.

--Ads--

Aniya, dapat ilabas ang CCTV footage at hayaang umusad ang imbestigasyon upang masagot ang marami pang katanungan kaugnay sa insidente.