--Ads--

Ikinokonsidera ng Department of Agriculture ang panukalang suggested retail price (SRP) na ₱53 kada kilo para sa lokal na bigas.

Ayon sa DA, ito ay matapos makipagkasundo si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga stakeholder ng industriya ng bigas hinggil sa naturang price level.

Nilinaw ng opisyal na ang SRP ay hindi price ceiling, kundi gabay lamang para sa tamang presyo ng lokal na bigas sa merkado. Maaari pa ring magbenta ang mga retailer sa mas mababang halaga kung kinakailangan, basta’t may makatwirang kita ang mga nasa supply chain.

Samantala, noong nakaraang linggo ay ipinatupad ng pamahalaan ang ₱50 price cap para sa imported rice na tatagal ng 30 araw.

--Ads--

Gayunman, ilang retailer ang nagpahayag ng pangamba na malulugi sila sa naturang price ceiling dahil sa mababang itinakdang presyo.