--Ads--

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang naitatalang kaso ng Ebola sa Pilipinas.

Ayon kay DOH spokesperson Undersecretary Albert Domingo, malinaw na walang kaso ng Ebola sa bansa kaya’t wala umanong dahilan upang mag-panic ang publiko sa gitna ng napaulat na outbreak sa Democratic Republic of the Congo.

Aniya, mababa rin ang panganib na makapasok ang sakit sa Pilipinas dahil sa layo nito mula sa West Africa kung saan naitala ang outbreak.

Dagdag pa ng opisyal, wala ring inirerekomendang travel ban ang World Health Organization (WHO), kaya’t hindi rin ito ipatutupad ng bansa.

--Ads--

Gayunman, magpapatupad ang Bureau of Quarantine ng mahigpit na screening sa mga biyaherong magmumula sa Democratic Republic of the Congo at Uganda.

Matatandaang idineklara ng WHO ang Ebola outbreak sa naturang mga bansa bilang public health emergency of international concern.

Samantala, iniulat ni USec. Domingo na pinag-aaralan na ng mga eksperto ng WHO ang mga posibleng lunas laban sa Bundibugyo virus na sanhi ng Ebola outbreak, kabilang ang remdesivir na ginamit noon laban sa COVID-19.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na palakasin ang immune system upang mabawasan ang panganib ng pagkahawa sa sakit na naipapasa sa pamamagitan ng body fluids.