--Ads--

Arestado ang isang 40-anyos na lalaki na itinuturing na most wanted person matapos madakip ng pinagsamang puwersa ng Police Station 4, Mobile Patrol Unit, at Intelligence Unit ng Santiago City Police Office sa Barangay Patul, Santiago City.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na Andong, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Santiago City Police Office, isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 24 sa Echague, Isabela.

Kinakaharap ng akusado ang kasong rape by sexual assault na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng P200,000 at acts of lasciviousness na may piyansang P180,000.

--Ads--

Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine bago dinala sa kustodiya ng Police Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at turnover sa issuing court.

Samantala, muling iginiit ng Santiago City Police Office ang pagpapatuloy ng kanilang kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.