--Ads--

Tinuligsa ng Senate Minority Bloc (Solid Bloc 11 o SB11) ang hindi pagsipot ng mayorya sa sesyon ng Senado, na tinawag nilang isang “boycott.” Ang hindi pagdalo ng mayorya ay naganap matapos sumuko si Senador Jinggoy Estrada sa PNP-CIDG.

Ayon sa minorya, walang katotohanan ang katwiran ng mayorya na ginawa ito para sa “independency” ng institusyon.

Punto ng SB11, ang pag-aresto kay Estrada ay bahagi ng rule of law, public accountability, at legal na proseso ng Ombudsman at Sandiganbayan na walang sinumang senador ang may kontrol.

Dahil sa hindi pagdalo ng nakararami, naantala ang pagpasa sa mga mahahalagang panukala tulad ng Magna Carta of Barangay Health Workers, Anti-Hospital Detention Bill, kumpirmasyon ng mga heneral sa Commission on Appointments, at usapin ng flood control projects.

--Ads--

Binalaan ng minorya ang publiko na huwag maniwala sa pagbaluktot sa katotohanan, at iginiit na ang pagpapatupad ng batas ay hindi dapat ituring na pag-atake sa Senado.