--Ads--

Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng ₱4 hanggang ₱4.50 kada litro sa Hunyo 9 dahil sa patuloy na supply disruption at tensyon sa pagitan ng US at Iran.

Posible namang bumaba ang gasolina ng ₱1 hanggang ₱1.50 kada litro.

Ayon sa industry source, ang galaw ng presyo ay base sa Mean of Platts Singapore at maaaring magbago pa bago ang final adjustment.

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado dahil sa pangamba sa kakulangan ng suplay.

--Ads--

Sa ngayon, mas malapit na sa pre-war levels ang lokal na presyo matapos ang mga nakaraang rollback.