--Ads--

Umakyat na sa 47 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes.

Batay sa ulat ng NDRRMC alas-8 ng umaga, 35 sa mga nasawi ay mula sa Soccsksargen habang 12 naman ay mula sa Davao Region.

Naitala rin ang 33 nawawala at 688 nasugatan dahil sa sakuna.

Aabot naman sa 346,449 katao o 75,324 pamilya mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naapektuhan ng lindol.

--Ads--

Sa bilang na ito, 16,349 katao o 3,515 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center, habang 29,260 katao o 7,279 pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan sa iba pang lugar.